PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Misis ginahasa na, sinunog pa

Ang sinunog na bangkay ng ginahasang ginang. Kuha ni Francis Elevado

CAMARINES NORTE, Philippines – Karumal-dumal ang si­napit ng isang 32-an­yos na misis makaraang matagpuan ang sunog nitong bangkay at pinaniniwalaang ginahasa muna bago sinunog nang buhay  nang matagpuan sa Purok 1, Brgy Tarum, Mercedes, Camarines Norte, kama­kalawa.

Kinilala ang biktima na si Rodelyn Dominguez, 32, residente ng Purok 2, Brgy. Pambuhan ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na ginahasa ang biktima matapos na makitang naka­baba ang ibabang kasuotan nito at pagkaraan ay posibleng pinukpok ng matigas na bagay sa ulo at nang mawalan ng ulirat ay sinunog.

Sa isang eksklusibong panayam ng PSN sa kabarangay ng biktima, huling nagpaalam ang biktima noong May 14, 2017 dakong alas-6:30 ng gabi na bibili lamang ng yelo at vetsin.

Nabatid pa na ang biktima ay sinasabing tumatao sa kanyang binabantayang niyugan sa Purok 5, Sitio Atongon subalit hindi na nakabalik ng bahay hanggang matagpuang patay.

Patuloy namang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad katuwang ang SOCO kung sino ang res­ponsable sa karumal- dumal na krimen.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: