Cum laude stude utas sa road mishap
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines – Kamatayan ang 19-anyos na graduating student na sinasabing magtatapos bilang cum laude makaraang salpukin ng kanyang motorsiklo ang traysikel sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Maguilling sa bayan ng Piat, Cagayan, kamakalawa. Agad na isinugod sa Piat District Hospital ang biktimang si Gladys Darauay subalit idineklarang patay. Si Darauay ay graduating student sa kursong BS Education sa Cagayan State University at residente ng Barangay Sto. Domingo sa nasabing bayan. Ayon sa police report, kaangkas ang biktima sa motorsiklo ng kanyang utol na si Rody Mark nang masalpok ang sinusundang trike ni Herbert Guzman, 23, ng Barangay Maguilling. Sa lakas ng pagkasalpok ay tumilapon ang biktima at tumama ang ulo sa semento habang sugatan naman ang kapatid nito maging ang driver ng traysikel. Naisugod sa nasabing ospital ang mga biktima subalit binawian ng buhay si Gladys.
- Latest