PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Driver patay sa gulpi ng 7 obrero

CAVITE , Philippines  -  Napatay ang driver ng security agency na sinasabing nag-alok ng alak matapos itong pagtulungang gulpihin ng pitong obrero sa Pilipinas Farm sa Barangay Silang Crossing West,Tagaytay City, Cavite kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si George Joson ng Barangay Talon, sa bayan ng Amadeo, Cavite. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina  Salvador Furing, 57; Romulo Gando, 35; Nilo Furing, 44; Romeo Fidelson, 58; Alvin Escaros, 25; Daryl Furing, 20; at si Jomari Nayag, 23, mga stay-in worker sa nasabing farm. Sa ulat ni P03 Jude Camitan na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, magkasamang nag-iinuman ang mga suspek nang bigyan ng bote ng alak ng biktima. Gayunman, tinanggihan ng mga suspek kaya nagalit ang biktima na nauwi sa panunutok ng baril. Mabilis namang naagaw sa biktima ang hawak na baril saka  pinagtulungang gulpihin ng mga suspek hanggang sa mapatay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: