PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Barangay kagawad, nilikida

COTABATO CITY, Maguindanao , Philippines  - Pinabulagta ang 24-anyos na barangay kagawad matapos itong ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng national highway sa Barangay Poblacion, bayan ng Pikit, North Cotabato, kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Kagawad Mamay Matalam ng Poblacion sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao. Ayon sa ulat, binabaybay ng biktimang nakamotorsiklo ang kahabaan ng national highway nang dinikitan at pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng cal .45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: