PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pulis na itinapon sa Zambo, itinumba

Tinakpan na lamang ang duguang katawan ni PO1 Ellis Natividad sa harap ng karinderya matapos itong pagbabarilin ng apat na kalalakihan habang bumibili ng pagkain kahapon ng umaga sa Brgy. Pinagbakahan, Malolos City, Bulacan. Boy Cruz

BULACAN , Philippines  – Kamata­yan ang sinapit ng 38-anyos na pulis na kabilang sa ipinatapon sa Mindanao matapos itong pagbabarilin ng dalawang  riding-in-tandem assassins sa harap ng karinderya sa Barangay Pinagbakahan, Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga.

Siyam na bala ang tumapos sa buhay ni PO1 Ellis Natividad, kasalukuyang nakadestino sa Zamboanga PNP at nakatira sa Barangay Concepcion sa bayan ng Baliwag, Bulacan.

Samantala, kaagad namang tumakas ang gunmen patungo sa direksyon ng Plaridel.

Sa imbestigasyon nina PO3 Raymund Martin at PO3 Alex Andal, pangsamantalang huminto ang biktima sa karinderya para bumili ng pagkain nang lapitan at ratratin.

Bago umalis ang gunmen ay muling pinaputukan ang biktima saka tinangay ang cal. 9mm pistol na service firearm nito at bag na naglalaman ng mga personal na kagamitan.

Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nabatid na bago mapatay ang biktima ay kumuha ito  ng ilang dokumento sa Malolos City Regional Trial Court RTC kaugnay sa mga kasong hinahawakan nito.

Napag-alaman din na ang biktima ay isinasangkot  sa pagpatay at pagsunog sa mag-asawa sa Brgy. Pandayan, Meycauayan City noong 2008 subalit himalang nabuhay ang babae kaya naikanta ang pangalang ni PO1 Natividad bilang suspek.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: