PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Elder ng simbahan, pinabulagta

KABACAN, North Cotabato , Philippines  - Patay ang 41-anyos na elder na kaagapay sa simabahan matapos itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon. Pitong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Venevic Montoyo Casayas Sr. ng Sitio Tawagon, Barangay Kibudtungan sa bayan ng Carmen. Mabilis namang tumakas ang gunmen patungong Carmen area. Lumalabas sa imbestigasyon na naghatid lang ng pasahero si Casayas nang lapitan at ratratin. Tinangay din ng gunmen ang motorsiklo ng biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: