PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dalagita ni-rape, nag-suicide

MANILA, Philippines -  Pinaniniwalaang ma­tinding depresyon ang isa sa motibo ng 15-anyos na dalagitang estudyante na hinalay ng hindi kilalang lalaki ang nag-suicide matapos itong uminom ng lason kamakalawa sa Barangay Sanlibo, bayan ng Bayambang, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Jane Asuncion, 8th Grader student sa Sanlibo National High School, anak ng pampublikong guro, at nakatira sa nasabing barangay.

Base sa police report na nakaratng sa Camp Crame, pasado alas-2 ng hapon nang maganap ang suicide sa bahay ng pamilya Asuncion matapos na magkulong sa kuwarto ang biktima.

Sa salaysay ng 55-anyos na ama na si Romeo Asuncion, guro, namatay ang kaniyang anak matapos itong uminom ng hindi pa natukoy na uri ng lason ilang minuto matapos itong isugod sa Bayambang District Hospital.

Ayon kay Romeo, dakong alas-8 ng umaga nang umalis ang kaniyang anak saka bumalik bandang alas-2 ng hapon kung saan ay kinastigo niya ito dahil sa kakaibang ikinikilos na tulala at halos ayaw mananghalian.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay napansin ng kasambahay na si Demetria Datuin na dumadaing ito ng pananakit ng ulo at bumubula ang bibig.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kaagad naman itong isinugod sa pagamutan ng kaniyang ama kung saan ito binawian ng buhay matapos ang ilang minuto.

Gayunman, habang pinapalitan ng damit ng kaniyang ama ay nadiskubre ang mga kissmark  sa may dibdib ng anak at may mga bakas din ito ng pasa sa katawan.

Nang suriin ang vagina ng anak ay nadiskubre na may sperm cell pa ang underwear kung saan ay naghihinala itong ginahasa ang dalagita kaya nag-suicide.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: