^

PSN Palaro

Pinay booters tumiyak ng tiket sa AFC Asian Cup

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nakasiguro ang women’s national football team ng tiket sa prestihiyosong 2018  Asian Football Confederation (AFC) Women’s  Asian Cup matapos maitala ang 1-1 draw laban sa Bahrain kamakalawa sa Pamir Stadium sa Dushanbe, Tajikistan.

Nakapitan ng Bahrain ang 1-0 kalamangan nang isalpak ni Noora Al-Dossary ang umaatikabong goal sa ika-56 minuto.

Subalit hindi agad nawalan ng pag-asa ang Pilipinas kung saan naitabla ito ni Sara Castañeda na umiskor ng matikas na goal mula sa magandang setup ni Eva Madarang sa ika-82 minuto ng bakbakan.

Umangat ang Pinay booters sa ikalawang puwesto sa Group A tangan ang 10 puntos mula sa tatlong panalo at isang draw para makuha ang No. 2 spot.

Nauna nang nagtala ang Pilipinas ng impresibong mga panalo laban sa UAE  (4-0) noong Abril 3, Iraq (4-0) noong Abril 5 at Tajikistan (8-0) noong Abril 7.

Nasa unahan ang Jordan na nakalikom ng 12 puntos mula sa perperktong 4-0 rekord.

Bagsak sa ikatlo ang Bahrain na may limang puntos (isang panalo dalawang draw at isang talo) kasunod ang United Arab Emirates na may apat na puntos (isang panalo, isang draw at dalawang talo), Tajikistan na may tatlong puntos (isang panalo at tatlong talo) at Iraq na walang naipanalo sa apat na laro.

Maghaharap sa huling araw ng qualifying ang Pilipinas at Jordan sa isang no-bearing game ngayong araw.

Tanging ang dalawang mangungunang koponan lamang sa bawat grupo ang uusad sa Asian Cup.

Sa Group B pasok na ang North Korea na may 10 puntos habang sa Group C, nakatiyak din ng silya ang Thailand na may anim na puntos.

Umariba naman ang Vietnam at Myanmar sa Group D na may parehong siyam na puntos.

Ito ang unang pagkaka­taon na muling masisilayan ang Pilipinas sa Asian Cup.

Huling nakapaglaro ang Pinay booters sa Asian meet noong 2003. Sa kabuuan, nakapaglaro na ang Pilipinas sa Asian Cup ng walong beses kabilang ang partisipasyon nito noong 1981, 1983, 1993, 1995, 1997, 1999 at 2001.

vuukle comment

FOOTBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with