^

PSN Palaro

Cabral, Evangelista nagningning sa PSL 112th National Series

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dinomina nina Lee Grant Cabral at Aishel Cid Evangelista ang kani-kanilang age band upang masungkit ang Most Outstanding Swimmer award sa Elite Class ng 112th Philippine Swimming Lea­gue (PSL) National Series swimming meet na ginanap sa Diliman Preparatory School swimming pool sa Quezon City.

Humakot ang Diliman Preparatory School tanker na si Cabral ng 47 puntos upang makuha ang MOS award sa boys’ 10-year ca­tegory habang nakalikom naman si Evangelista ng 50 puntos para kunin ang parangal sa boys’ 7-year event.

Galing si Cabral sa ma­tagumpay na kampanya sa Thanyapura Invitational Swimming Championship sa Phuket, Thailand kung saan sumisid ito ng anim na gintong medalya kalakip ang MOS trophy.

Hindi rin nagpahuli sina Micaela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque (girls’ 10-year) at Diliman Pre­­pa­­ratory School standouts Paul Christian King Cusing (boys’ 15-over) at Paula Carmela Cusing (girls’ 13-year) at Charize Esmero ng University of the Philippines Integrated School (girls’ 14-year) na nanguna sa kani-kanilang kategorya.

Itinanghal ding MOS sina Richelle Anne Callera (7), Alexandra Rejuso (8), Triza Tabamo (9), Angela Torrico (11), Charlize Cabana (12) at Justine Anne Abastillas (15-over) sa girls at sina Master Charles Janda (8), Coby Rivilla (9), Joshua Santiago (11), Adrienne Macapagal (12), Lanz Prince Legaspi (13) at Mervier Mirandilla (14) sa boys.

Inangkin ng Killerwha­les Swim Team ang korona sa nakalikom na 890 puntos habang pu­mangalawa ang Aquaspeed Sail­fish na may 845 at ikatlo ang Camp Aguinaldo Streamline na may 710.

Ang PSL ay kinikilala ng PSC bilang opisyal na National Sports Association na nagpapatupad ng grassroots development program sa bansa.

vuukle comment

LEE GRANT CABRAL AT AISHEL CID EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with