^

PSN Showbiz

Aktres na luka-luka, iniisnab-isnab na ng mga pulis sa isang isla!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapag ganitong Santo-Santo ay hin­ding-hindi puwedeng makalimutan ng mga bakasyunista sa isang sikat na isla ang mga kalokahan ng isang female personality na mukhang umaandap-andap na ang karera.

Ibang klase ang trip ng babaeng ito, talagang nambubulabog siya ng police department dahil sa pambubugbog sa kanya ng boyfriend niya, pero lukang-luka sa kanya ang mga otoridad pagkatapos niyang magdrama.

“Naku, wala nang maniniwala sa kanya ngayon kapag napagtripan niyang masumbong na naman sa mga pulis. Naumay na sa kanya ang mga kapulisan sa island na ‘yun, sa totoo lang!

“Halos nakabalabal lang siya kapag tumatakbo sa detachment, cry me a river ang lokah, dahil sinaktan daw siya ng boyfriend niya! Natural, inaasikaso naman siya ng mga pinagsusumbungan niyang pulis!

“Pero ayaw niya namang magsampa ng formal complaint, pinapupuntahan lang niya ang BF niya para takutin kuno ng mga pulis. Ano ito, lokohan? At talagang lokohan nga, dahil pagkatapos lang nang ilang oras, e, magkayakap na naman silang nakikitang palakad-lakad sa dalampasigan.

Dalawang beses na humingi ng tulong sa police detachment ang komedyana. Pinakinggan pa siya nu’ng una, pero nu’ng ikalawang beses na siyang nagsusumbong, deadma na lang ang lahat sa kanya.

“Sino naman kasi ang maniniwala sa hitad na ‘yun na pa-cry-cry pa habang isinusumbong ang BF niya, pero kamukat-mukat mo, e, magkabati na pala sila? Sino pa ang seseryoso sa mga kadramahan niya?

“Ginagawa niyang bobo at boba ang mga otoridad, sa totoo lang, gumagawa siya ng mga kuwentong puro kababalaghan lang naman, kaya siya ang the girl who cried wolf kung tawagin ng mga taga-isla!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Tomboyitang promoter na nanira sa JaDine wala nang maipakitang mukha!

So, tapos na ang boksing! Nakikipaghalikan na sa lona ang humamon sa JaDine loveteam! Wala nang mapupuntahan ngayon ang nanirang promoter kuno kina James Reid at Nadine Lustre kundi ang isarado na lang ang kanyang FB account.

Sukat ba namang ipagkalat ng Elaine Crisostomo na ito na hindi raw pinahalagahan ng tambalan ang mga Pinoy sa Amerika, wala raw isang salita ang loveteam, pati raw sa photo opportunity ay nagdamot ang JaDine.

Ayun, binulabog siya ng mga tagasuporta ng loveteam, lalo siyang napraning nang maglabas na ng official statement ang Viva Live na hindi naman pala siya ang kausap ng produksiyon, mas nawalan ng pagtataguan ang tomboyitang promoter kuno nang sagutin na ni James Reid ang kanyang mga paninira.

Nagbenta pala si Elaine Crisostomo ng tickets para sa isang brunch. Ang kanyang pangako sa mga ticket buyers ay darating sa brunch ang JaDine, makikipagkuwentuhan sa mga kababayan natin, du’n na rin magsasawa ang mga mayhawak ng tickets sa isang mahabaang photo opportunity.

E, wala naman palang alam ang Viva Live sa brunch, lalong walang alam sina James at Nadine, kaya namuti ang mga mata ng mga Pinoy sa kahihintay sa paborito nilang tambalan.

Aba, ang promoter kuno, binaligtad ang istorya! Pinalabas niyang unprofessional ang JaDine, tumatanggap ng kompromiso, pero hindi naman pala nila tutuparin ‘yun!

Kinailangang gawin ‘yun ng tomboyitang promoter kuno para maisalba ang kanyang mukha sa mga nagagalit na fans. E, inilabas pa ni James Reid ang presyo ng ibinenta niyang tickets para sa brunch, kaya lalong nagalit kay Elaine Crisostomo ang mga kababayan natin.

Huwag kasing isinisisi sa iba ang kapalpakan. Huwag nagpapakaatribida. Huwag masyadong asyumera. Gawing pormal at legal ang lahat sa pamamagitan ng pagpapaalam sa tunay na mag­dedesisyon.

Sabi ng hipag naming si Chingbee Salazar na numero unong tagahanga ng JaDine, “Naku, ang dapat sa promoter na ‘yun, e, ibitin siya nang patiwarik! Nagkamali siya ng sisiraan!”

Korek!

vuukle comment

ISLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with