^

PSN Showbiz

Matapos gastusan ng P10 million Kris inakusahang ‘ginamit’ ng produ ng Trip…!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Oh my, may emote pala si Kris Aquino sa sumugal sa kanyang TV comeback na umere the other night sa GMA 7, ang Trip Ni Kris.

In a nutshell, sa interview ni Ms. Jo-Ann Maglipon, editor in chief ng  pep.ph na lumabas kahapon ng hapon sinabi ni Kris na nagamit siya ng mag-inang Doray at Renan Morales.

Itinanggi rin niyang nanliligaw sa kanya ang councilor ng Nueva Ecija na si Renan na sinasabing naugnay sa ilang sexy star kasama na ang ina umano ng kambal ni Marlon Stockinger na modelo.

“Super use-me-in-a-sentence talaga ang nangyari,” ang sabi ni Kris kay Ms. Jo-Ann.

Sinabi pa ni Kris sa interview na na-delay ang bayad sa kanya at parang nag-duda pa siya na super mayaman ang pamilya Morales. “I swear, super na-delay ang bayad, isa yun.

“Ang press release nila, big time na big time sila,” sabi ni Kris sa interview.

Inakusahan pa ni Kris na nagamit siya dahil gustong maging vice governor ng Nueva Ecija ni Renan.

Sabi pa ni Kris sa nasabing interview nagpalit pa siya ng number dahil ayaw na raw niyang makausap ang mga Morales dahil na-turn off siya. “Yes, na-yuck talaga ako. Talagang, oh my God, first and last!”

Pahayag pa ni Kris, prinomote ni Manang Doray ang sarili nang magpa-presscon.

Pero bago ang nasabing interview, nagpasalamat pa si Kris. Prinomote pa nga niya na mapapanood ang umereng programa niya sa FB. “Good news! If you missed watching, it will be uploaded on my FB page on Easter Sunday, Apr 16, 2017 at 11am. Our heartfelt gratitude to Ms. Rhodora Morales for having the faith & the budget to produce #TripNiKris! Have a solemn and meaningful holy week! ,” sabi pa niya sa IG account.

Pero pagdating ng hapon, umiba siya ng tono.

Hmmm… sino nga kaya ang nagamit? Si Kris o ang producer na si Manang Doray?

‘Comeback ni Kris’ tinalo ni Vice!

Aba ayun kay Nay Lolit Solis, aabot sa sampung milyon ang nagastos ng milyonaryong Nueva Ecijano sa isang episode ng Trip Ni Kris. Sa airtime pa lang daw, P3 million na. Eh sa taping pala laging naka-chopper si Kris na ayaw ma-late dahil sa traffic.

At dahil ipinamahala raw ang production kay Kris, advertising people ang mga kinuha nito na per oras ang bayad kaya na-imagine ni Nay Lolit kung gaano kamahal ang nagastos ni Manang Doray na in fairness ay hindi ko pa nakita ng personal.

Ang estimate niya, mga P10 million ang isinugal ng negosyante sa nasabing programa na kahit nag-trend sa social media ay hindi tinalo ang show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice. Yup, kinabog ang Trip ni Kris base sa mga naglabasang ratings kahapon sa AGB Nielsen ay GGV 4.5 at TNK 3.7%.

Kung tutuusin ay mga singing champion lang ang guest ni Vice. “Congrats Sam, Froilan and NOVEN. Madlang People loved your GGV episode last night. More power to the three of you,” tweet ni Vice kahapon na parang pang-asar na rin siguro dahil ‘di lumusot ang kanyang dating asawa sa kanyang programa.

Kaya ‘wag nang mag-expect na mapapanood uli ang TNK unless makakuha uli siya ng bagong producer.

Grabe noh parang hindi na talaga panahon ni Kris na mag-comeback sa TV.

Siyempre naman sinugalan siya ng P10 million, halimbawa nga dapat may pakinabang din sa kanya ang producer na ngayon ay binangga pa niya.

Kung negosyante ka hindi ka naman magwawaldas kung wala kang mapapala.

Hindi ba ‘yun naisip ni Kris?

Ang negosyo ay negosyo.

“At 10 million is 10 million,” pahabol ng controversial ta­lent manager at PSN/PM columnist din base sa estimate niya.

Awra pinangalanang grand winner ng Your Face Sounds Familiar Kids

Hinirang bilang kauna-unahang Your Face Sounds Fami­liar Kids  grand winner ang tinaguriang Breakout Child Star na si Awra Briguela matapos niyang makuha ang pinakamataas na pinagsamang score ng jury at public text votes sa grand showdown ng programa noong Linggo ng gabi (Apr 9).

Nagkamit nga ng 95.41% na score si Awra at pinahanga ang manonood sa kanyang galing sa pag-rap at nakaaaliw na performance sa transformation niya bilang ang sikat na American rapper na si Nicki Minaj.

Bilang premyo, nag-uwi siya ng P1 milyon, house and lot, at trip to Jeju Island, South Korea for four.

Samantala, tinutukan ng mga manonood ang dalawang gabing pagtatapos ng Your Face Sounds Familiar Kids matapos nitong manguna sa national TV ratings, ayon sa datos ng Kantar Media. Nagkamit ang palabas ng national TV rating na 35.3 noong Sabado (Apr 8) at Linggo sa 38.3% kumpara sa mga kalaban.

Naging mainit na usapin din sa social media ang final showdown matapos manguna ang official hashtags ng palabas na #YFSFGrandShowdown at #YFSFGrandWinner sa listahan ng trending topics sa Twitter.

 

vuukle comment

KRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with