^

Police Metro

PNP officer, 1 pa sugatan sa road mishap

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -   Dalawa katao kabilang ang Deputy Provincial Director ng Pangasinan Police at Officer -in-Charge ng Urdaneta City Police Station  ang nasugatan makaraang aksidenteng su­malpok sa puno ng mangga ang behikulong sinasakyan  ng mga ito sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Matic-Matic, Sta. Barbara, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang nasu­gatang opisyal na si Supt. Jackie Castro Candelario, 41 anyos, Deputy Police Director  ng Pangasinan Police Office at Officer in Charge ng Urdaneta City Police. Ang nasugatang sibilyan ay  nakilala namang si  Rica Vinluan, 20 taong gulang.

Si Candelario ay nasa maayos ng kondisyon na inoperahan na sa Villaflor Doctors Hospital sa Dagupan City matapos na mabalian ng kanang tad­yang sa insidente.   Patuloy ring ginagamot si Vinluan sa tinamo nitong sugat sa katawan.

Sa report ng Pangasinan Police, bandang alas-4:26 ng madaling araw nang maaksidente ang Toyota Vios (AAS 9726) na minamaneho ni Supt. Candelario sa nasabing lugar.

Ang mga biktima ay mabilis  na isinugod sa pagamutan ng mga sumaklolong rescue team  para malapatan ng lunas. Ang kasong ito ay iniimbestigahan na

vuukle comment

JACKIE CASTRO CANDELARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with