^

Police Metro

7 Katao niratrat

Cristina Timbang, Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Pito katao ang nasawi makaraang paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga salarin sa magkakahiwalay na insidente  ng pananambang sa Imus City, Cavite at Metro Manila kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Imus City Police, dakong ala-1:30 ng madaling araw  nang ratratin  ang apat na kalalakihang biktima na sakay ng tatlong motorsiklo ng hindi pa nakilalang mga suspek sa Mary Cris Homes Exe­cutive Phase 5, Malagasang 2G, Imus City.

Ang mga biktima na tinatayang nasa pagitan ng 25-35 anyos na mga nakasuot ng jacket ay pawang dead on the spot sa insidente sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Narekober sa crime scene ang tatlong motorsiklo na Mio Yamaha (4076 RH ) kulay rosas na Rusi (4983 HV) at Mio Yamaha na walang plaka.  Inaalam pa ang pagkaka­kilanlan sa mga biktima at kung may kinalaman sa droga ang motibo ng krimen.

Sa  Metro Manila, tatlong kalalakihan naman ang nasawi sa magkakahiwalay na pamamaril sa Caloocan, Malabon at Navotas City kamakalawa ng gabi at kahapon. Bandang alas-4 ng madaling araw kahapon nang ratratin ang hindi pa nakilalang biktima na nakabalot ng tela ang ulo, nakasuot ng itim na t-shirt sa Phase 8, Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Sa Navotas City, alas-7:30 ng Biyernes ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Raul Rarugal Jr., 25,  ng Marcelo St., Road-10,  Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng mga nag-ro- roving na barangay tanod sa kahabaan ng Road-10 ng naturang lungsod.

Samantala, dead on arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si  Samboy Versoza, 23,  ng Block 49-K,  Lot 3,  Phase 3,  Pampano St., Brgy. Longos, Malabon City sanhi ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril. Inaalam pa ang motibo ng krimen.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with