^

Metro

Dayo binoga sa noo, utas pinaghinalaang Spy

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dead on the spot ang isang 38-anyos na lala­king bumisita lamang sa kapatid nang barilin sa noo ng hindi pa kilalang salarin, sa Gasangan, Baseco Compound, Port Area, Maynila, kahapon ng tanghali.

Kinilala ang nasawi na si Jomar Manalo, ng Maharlika Village, Taguig City.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa tumakas na suspek na armado ng baril na hinihinalang hitman ng ‘tulak’ sa lugar.

Sa ulat ni SPO3 Jonathan Bautista  ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas- 11:30 ng tanghali nang makarinig ng putok ng baril ang mga residente at nakita na lang na nakabulagta ang biktima sa Block 11,  Gasangan.

Nabatid na hindi umano kilala ng ibang residente ang biktima dahil may isang buwan pa lamang itong nakikibakasyon sa bahay ng kapatid sa Block 11 Gasangan, Baseco Compound .

May teorya na posibleng pinaghinalaang spy o police asset ang biktima dahil bagong mukha ito sa lugar kaya maaaring ipinatumba ng mga taong nasa likod ng pagbebenta ng iligal na droga sa lugar.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insi­dente.

vuukle comment

JOMAR MANALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with