^

Bansa

Kadamay titirahin ng bazooka, machine gun

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala si Pangulong Duterte sa mga Kadamay na huwag na nitong uulitin ang ginawang pang-aagaw ng mga housing units dahil ang susunod na itatayong pabahay sa mga pulis ay babantayan na ng ‘bazooka’ at limang ‘M60’ machine gun.

“Sinabi ko ito ibigay ko. Huwag na ninyong ulitin. Nandiyan na eh. Para ‘yan sa mga sundalo. Eh ‘pag mga pulis, pagdating nila ‘yung unit nila, ayaw mong, ayaw kong lumabas diyan. Eh kung pagbabarilin ka. Squatter ka eh,” ayon sa Pangulo.

Magugunita na nagdesisyon si Pangulong Duterte na huwag nang paalisin ang mga Kadamay members na sapilitang inokupahan ang mga housing units sa Pandi, Bulacan na para sa mga sundalo at pulis.

“Sabi ko sa mga sundalo huwag na lang kasi masama pakinggan, na tayo, kayo may armas tapos ‘yun mga mahirap lang. Ibigay na lang natin sa kanila. Tutal kung i-evict mo ‘yan? What do you suppose that I will do? I will have to use force then between anarchy at magbigay ka na lang. Anarchy? Hanggang diyan lang ‘yan sa Bulacan. Anarchy,” dagdag pa ng Pangulo.

“Pero hindi na sila makaulit kasi next time that I will build the houses for the police and the…Pabanta­yan ko na ng limang M60 pati bazooka,” sabi pa ni Duterte.

Sinabi ni Pangulong Duterte, malinaw ang kanyang babala at makakatikim ang ibang miyembro ng Kadamay na magtatangkang ookupa sa ibang pabahay lalo na sa bagong itatayo para sa mga naagawang sundalo at pulis.

Ayon sa Pangulo, kung pinagbigyan daw sila nga­yon ay huwag aabuso o sosobra dahil mapapasama lang sila.

“Do not feel bad. After all, the houses were given to our fellow Filipinos who are also poor. That is your consolation. But it doesn’t mean to say that the go­vernment, I, have forgotten you,” sabi ng Pangulo.

“You will have new, better houses. The faucets have water and you have electricity…Hayaan mo iyong mga gago…nang-aagaw, kandila lang iyong kanila,” sabi pa niya.

 

vuukle comment

BAZOOKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with