PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

5 arestado sa P5-M shabu

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Kalaboso ang limang drug suspek makaraang makumpiskahan ng P5 milyong halaga ng shabu sa inilatag na drug operations ng mga awtoridad sa Barlin Street, Barangay Del Rosario sa bayan ng Milaor, Camarines Sur noong Linggo ng gabi. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Ivan Soreta, Edwin Balondo, Meland Cabase, Macniel alyas “Mac” at Tristan “Tantan” Abines, na sinasabing operator ng drug den. Sa ulat na nakarating sa Camp Simeon Ola, isinilbi ang search warrant na inisyu ni Judge Pablo Formaran ng Naga City Regional Trial Court Branch 23 sa bahay nina Mac at Tantan na sinasabing drug den kung saan naaktuhan ang mga suspek sa pot session. Nasamsam sa mga suspek ang 13 malalaking plastic sachet ng shabu na may isang kilo, portable weighing scale at ilang drug paraphernalia. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: