PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3-anyos lunod sa irrigation canal

COTABATO CITY, Maguindanao , Philippines - Patay ang 3-anyos na totoy makaraang malunod habang naliligo sa irrigation canal sa Plang Village, Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa. Sa ulat ng Kabacan Municipal Risk Reduction and Management, magkakasamang naligo ang biktimang si Jamerodin Sakilan Andog at apat na kaibigan sa irigasyon. Gayunman, napadako ang mga bata sa bunganga ng irrigation canal kaya nahulog. Namataan naman ng ilang residente na nagsasagawa ng Kanduli (ritwal ng mga Muslim) kaya nasagip ang apat na bata. Ilang oras pa nang lumutang ang katawan ng biktima. Ang irrigation canal ay diversion lamang na ginawa ng NIA para sa mga magsasaka mula sa Kabacan River.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: