PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Obrero pisak sa pison

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 53-anyos na obrero matapos itong mapisak ng pison sa inaaspaltong bahagi ng highway sa Barangay Barucboc, bayan ng Quezon, Isabela kahapon ng umaga. 
Kinilala ni Isabela police chief investigator P/Supt. Manuel Bringas ang biktima na si Ernesto Leal na tumayong flagman sa nasabing proyekto ng gobyerno. 
Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng panimbang si Leal habang umaatras upang iwasan ang mga nagsidaang sasakyan sa kanyang harapan.
 Sa kasawiang palad ay dumikit ang katawan ng obrero sa aspalto at eksaktong padaan naman ang pison sa kanyang pinagbagsakan.
 Sinikap hugutin ng mga kasamahan ang biktima na bumaon sa aspalto upang dalhin sa Quezon Community Hospital kung saan siya idineklarang patay. Sumuko naman sa mga pulis ang ope­rator ng pison na si Romel Natividad, 39, ng Alcala, Cagayan matapos ang sakuna.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: