PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

4 basketbolista dinedo sa videoke bar

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines -  Kamatayan ang sinapit ng apat na basketbolista makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan habang nag-iinuman sa videoke bar sa Purok 1, Barangay 3, Poblacion, Cabadbaran City sa Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO2 Glenn Villania ang mga napatay na sina Bryan Pagal, 27, ng Barangay Tolosa; Lotter Ladria, may-ari ng videoke house; Jade Tagaro, 25; at si Ricky Careras, 33, mga residente sa nabanggit na barangay.

Samantala, naisugod naman sa Cabadbaran City District Hospital ang sugatang si Jarrey Abasolo.

Ayon kay Villania, magkakasamang nag-iinuman at nag-aawitan sa Coach Repuvlik Videoke Bar sa tabi ng Rizal Park ang mga biktima nang bigla na lamang pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan.

Narekober naman sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 9mm pistol at dalawang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Samantala inihayag naman ng lone survivor na si Abasolo na blangko siya sa motibo sa pamamaril dahil wala siyang kalaban at wala rin siyang alam na may kaaway ang mga kasamahang basketbolista. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: