^

PM Sports

Lady Spikers twice-to-beat

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakuha ng kasaluku-yang kampeon sa women’s division ng UAAP Season 79 volleyball tournament na De La Salle University ang bentaheng twice-to-beat sa Final Four matapos ilaglag sa tatlong sets ang University of Santo Tomas, 25-23, 25-22, 25-21 sa kanilang laro na ginanap sa FilOil Flying V Centre sa San Juan kahapon.

Ang panalo ang nag-angat sa kartada ng La Salle sa 10-2 na naging sanhi ng muling pagtabla sa unang puwesto sa standings at siya ring pagkamit ng kanilang karibal na Ateneo ng pangala-wang twice-to-beat incentive sa Final Four.

Hindi ininda ng Lady Spikers ang natamong left ankle sprain ni Season 78 Finals MVP Kim Dy maaga pa lamang sa third set upang pahabain pa sa limang laro ang kanilang winning streak at mapanatili ang kanilang malinis na rekord sa second round.

“Confident naman ako kasi nagpa-practice naman ang mga players. Sabi ko doon sa pumalit (kay Kim Dy), ito na ‘yung break mo,” ani La Salle head coach Ramil De Jesus. ‘Yung pumalit (Arianne Layug) okay naman.”

Muling umariba si Desiree Cheng para sa Lady Spikers na naglayag ng 13 puntos habang nakaiskor pa rin ng 12 puntos si Dy bago alisin sa laro dahil sa natamong injury.

Gumawa rin ng 13 puntos si team captain Cherry Rondina para sa UST na ngayon ay nasa isang three-way tie sa 7-5 kasama ang NU at UP.

Sa isa pang laro, buhay pa ang tsansa ng Far Eastern University na tumuloy sa Final Four matapos wa-lisin ang University of the East, 25-14, 25-18, 27-25.

Nagtala ng tig-11 puntos sina Bernadeth Pons at Jeanette Villareal habang tumapos naman na may siyam na puntos ang kanilang kapitan na si Remy Palma para pamunuan ang FEU na pantayin ang kanilang baraha sa 6-6 sa likod ng NU at UP.

Kakailanganin pang maipanalo ng Lady Tamaraws ang kanilang huling dalawang laro ng eliminations upang pataasin ang kanilang tsansang agawin ang pang-apat na puwesto sa standings at dumiretso sa semifinals ngayong taon.

Humirit naman ng 11 puntos si Shaya Adorador para sa 1-11 na UE.

Lumapit naman sa  semis ng men’s division ang UST na umakyat sa 6-6 katabla ang FEU matapos talunin ang La Salle (4-8), 28-30, 25-23, 25-20, 16-25, 15-11 habang kinubra naman ng NU ang kanilang ika-10 sunod na panalo para pagandahin pa ang kanilang kartada sa 11-1 matapos maungusan ang UP (5-7), 27-25, 25-18, 22-25, 19-25, 15-12. FML

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with