PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Lola tumanggi sa droga, kinatay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 60-anyos na lola na tumangging magbigay ng pera para sa droga matapos itong pagtatagain ng pamangking  durugista sa kanyang bahay sa Barangay Balbalayang, bayan ng San Gabriel, La Union kamakalawa. 
Kinilala ng pulisya ang napatay na si lola Adelaina Papat-iw habang ang suspek naman ay nadakip sa inilatag na follow-up operation ng pulisya na si Rick Papat-iw, 39.
Ayon sa mga nakasaksi, nagwala ang suspek nang tumangging magbigay sa kanya ng pera ang matanda para sa kanyang bisyong droga.
Naisugod ng mga sumaklolo ang biktima sa pagamutan subalit hindi na ito nakaabot ng buhay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: