PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Conjoined twins, iniluwal sa Isabela

Kuha ni Lyn-Lyn na isang kaanak ng pamilya Lavariento.  

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Isang kambal-tuko (conjoined twins) ang isinilang ng 25-anyos na misis sa Southern Isabela General Hospital sa Santiago City noong Miyerkuls (Marso 15).


Ayon sa ina na si Rochelle Lavariento, dati na nilang inasahan ng kanyang mister na si Regie Lavariento na magkadikit ang kanyang iluluwal na sanggol matapos makita sa ultrasound test ng kanyang pagbubuntis.


Ang kambal ay may iisang balakang, tatlong binti, iisang puwit at kasarian ng babae.


Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag ang mga doktor kung maaring o­perahan para magkahiwalay ang kambal sa ganoong kalagayan.


Nakikiusap naman ng tulong si Rochelle upang mapasuri sa eksperto ang kanyang kambal na ika-lima sa kanyang isinilang.


Ang mag-asawa ay namumuhay lamang sa simpleng pagsasaka sa Barangay Silay, bayan ng Angadanan, Isabela.


PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Noong 2012, may kaparehong kambal ang isinilang sa Governor Faustino Dy Sr. Memorial Hospital sa Ilagan City subalit wala nang naging balita sa kanilang kinahinat­nan simula nang iuwi sila ng mga magulang sa Barangay Eden sa bayan ng San Manuel.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: