PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 dedo, 4 kritikal sa pamamaril ng pulis

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang napatay habang apat naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang pagbabarilin ng bagitong pulis na sinasabing nag-amok sa inuman sa loob ng beerhouse sa Barangay Maynganay Sur, bayan ng Sta. Maria, Ilocos Sur  noong Sabado ng gabi. 


Ayon kay P/Supt. William Nerona, tagapagsalita ng Ilocos Sur PNP, hindi na nakarating ng buhay sa Ilocos Sur Central District Hospital sa bayan ng Narvacan ang mga biktimang sina Marcial Antolin at Mark Hansel Ordoñez.

Samantala, inilipat naman sa Gabriela Silang General Hospital sa Vigan City ang mga kritikal na sina Isagani Calibuso, 44; Felipe Pineda, 37; Richard Jecosalem, 24; at si Raymon Cabanting, 38, mga bouncer sa Ally’s Resto Bar.
Pininiwalaang agawan sa pulutan ang pinag-ugatan makaraang makipagtalo ang mga biktima sa suspek na si PO1 Randy Castro na nakatalaga sa bagong tatag na Drug Enforcement Group sa Navotas City Police Station.


Sinasabing naburyong ang pulis sa sobrang kalasingan at niratrat ang kanyang mga kainuman gamit ang cal. 9mm pistol.


Agad naman nadakip ng mga pulis si P01 Castro kasabay ng pagkumpiska sa kanyang service firearm.


Sising-alipin naman nga­yon si P01 Castro na isa pa naman sa masusing piniling pulis sa kanyang unit na pinuri ni PNP Director General Ro­nald “Bato” Dela Rosa na bukod tangi sa kapulisan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: