PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kotse vs truck: 7 patay

BATANGAS, Philippines – Kamata­yan ang sinapit ng pito-katao kabilang ang tatlong menor-de-edad habang isa naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang salpukin ng truck ang isang kotse sa kahabaan ng highway sa bayan ng Sto. Tomas noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Ins­pector Erickson A. Go, Sto. Tomas deputy police chief ang mga biktima na sina Cesar Almario, 16; Paul Aldrin Geroy, 16; Gerald Dellomos, 22; Deniel Abarete, 16; Romeo Abarientos, 36, driver ng kotse; at  anak nitong si Jerome Abarientos, 10, mga nakatira sa Barangay San Miguel sa nasabing bayan.

Nanatili namang unidentified ang isa pang namatay habang nasa kritikal na kalagayan naman si Aljay Torres, 17, ginagamot sa St. Cabrini Hospital sa nabanggit na bayan.

Base sa police report, binabagtas ng 10-wheeler aluminum closed-van (ACO-7694) na minamaneho ni Rodolfo Mandac Jr. ang kahabaan ng Pres. Laurel Highway mula sa Manila patungong Tanauan City nang mabangga ang kasalubong na Toyota Vios (TBV-625) pagsapit sa Barangay San Roque bandang alas-9:45 ng gabi

Dead-on-the-spot ang limang lulan ng kotse habang namatay naman ang dalawa habang ginagamot  sa nasabing ospital.

Nakapiit naman sa presinto ng pulisya ang  truck driver na si Mandac habang sumasailalim sa imbestigasyon na posibleng maharap sa mga kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, serious physical injury at damage to property.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: