^

PSN Showbiz

Pia at Megan may tapatan sa New York

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kung pumirma ng kontrata si Pia Wurtzbach sa International Management Group (IMG), si Megan Young naman ay pumirma sa Innovative Artist Agency. Parehong New York-based ang dalawang talent agency at ang bongga nito dahil baka magsabay na magkaroon ng international career ang dalawang beauty queens ng Pilipinas.

Naalala tuloy namin ang nabanggit ni Mikael Daez sa presscon ng Legally Blind na hindi pa niya alam kung magre-renew ng kontrata sa GMA Network si Megan.

Tom, Dennis, at Carla tuloy ang agawan sa Mulawin vs. Ravena

Nakita namin sa Twitter account ng Mulawin vs. Ravena ang announcement na “Tom Rodriguez joins #MulawinVSRavena.” May kasama itong picture ng aktor na nakalagay sa balahibo ng Mulawin.

Sabi, hindi mulawin at hindi rin ravena ang magiging role ni Tom sa nagbabalik na fantaserye.

Special appearance lang daw ang gagampanan ni Tom, pero okay lang ito sa Kapuso viewers dahil ang importante sa kanila, magkakasama uli sina Tom, Carla Abellana, at Dennis Trillo. Remember, sila ang love triangle sa My Husband’s Lover?

Breakfast ng DongYan at AlDub pinagkaguluhan

Sa Ducati motor nakasakay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera nang pumunta sa Valero Branch ng McDo sa Makati City para sa National Breakfast Day kahapon. Malapit lang ang bahay ng mag-asawa sa assigned branch. May mga pumunta pa para lang makita at makapagpa-picture sa kanila.

Sa Valley 1 Sucat Pa­raña­que naman naka-assign si Alden Richards na pi­nag­kaguluhan din. Hindi makapaniwala ang customers na ang aktor ang nagse-serve sa kanila at nagbibigay ng free breakfast.

Sa Don Antonio Heights, Batasan Hills, Quezon City naman nag-serve ng breakfast si Maine Mendoza. Gaya nina Dingdong, Marian, at Alden, pinagkaguluhan din siya.

Victor pabor ipabitay ang mga rapist at mandarambong!

Mag-ama ang role nina Victor Neri at Benjamin Alves sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

In real life, 14 years lang ang age gap nila dahil 40 years old si Victor at magtu-28 si Benjamin sa March 31.

Pero dahil parehong magaling na artista, naga­gampanan nang mahusay ng dalawa ang role nilang mag-ama.

In fact, hindi problema ang mga edad nila ‘pag nasa harap na ng camera. Pinuri nga ni Victor sina Benjamin, Julie Anne San Jose, at LJ Reyes dahil professional ang mga ito.

Samantala, isa si Victor sa mga taga-showbiz na pabor sa death penalty. Hindi lang siya pabor na hindi isinali ang mga kaso ng rape at plunder. Sana raw, nagkaroon ng open consultation ang mga mambabatas sa mga tao para nalaman ang pulso ng karamihan.

vuukle comment

PIA AT MEGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with