^

Bansa

Anti-hospital deposit bill inaprub ng House body

Jess Diaz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inindorso na ng health committee ng House of Representatives ang dalawang panukalang-batas na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga ospital na humihingi muna ng deposito sa isang pasyente bago ito tanggapin.

Sinabi ni Health committee chairman at Quezon Congresswoman Angelina Tan na inaprubahan na ng kanyang komite ang panukalang-batas dahil sa mga reklamo laban sa mga ospital at klinika na tumatangging tanggapin ang mga pas­yente na nasa emergency o seryosong kundisyon dahil sa pagkabigo ng mga ito na magbigay ng deposito o advance payment.

Ipinaliwanag ni Tan na mayroon nang isang batas noon pang panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos na nagbabawal sa naturang gawain ng mga ospital pero kailangang baguhin ito para pilitin ang mga ospital na sumunod dito.

Awtor ng dalawang panukalang-batas sina Representatives Jose Christopher Belmonte ng Quezon City at Tomasito Villarin ng party-list group na Akbayan. Lumikha ang komite ng isang panel para pagsamahin ang mga ito.

Ang pinagsamang mga panukalang-batas ay sususog sa Batas Pambansa Bilang 702 na nagbabawal sa mga ospital at medical clinic sa paghingi ng deposito bago tanggapin ang isang pas­yente. Pinagtibay ang BP 702 noong Abril 5, 1984 sa panahon ni Marcos.

Pinuna ni Belmonte na, sa kabila ng umiiral na batas, mayroon pa ring mga pagkakataon na ang mga pasyenteng nasa emergency o serious cases ay lubhang nawalan ng dugo o namatay habang inihahatid sa malayong pasilidad na pangmedikal.

“Buhay ng pasyente ang nakataya. Nabibi­ngit siya sa kamatayan at hinihingan mo muna siya ng pera? Maaaring kitain ang pera at maaaring makabayad kinalaunan pero ang buhay na nawala ay hindi na maibabalik,” sabi pa ni Villarin.

Sa pinagtibay na pa­nukalang-batas, ayon kay Tan, ang mga multa sa magkakasalang ospital at klinika ay aabot sa P500,000 hanggang P1 milyon at pagkabilanggo na mula apat na taon hanggang anim na taon.

Ipapataw ang parusa sa mga hospital staff, director, manager, consultant at iba pang tao na responsable sa pagtanggi sa pasyente.

Ang dalawang beses na paglabag ay magreresulta sa kanselasyon sa lisensiya ng nagkamaling ospital o klinika.

vuukle comment

ANTI-HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with