^

Bansa

14 sundalo, apo ng ASG commander sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang 14 pang sundalo sa pagpapatuloy ng bakbakan sa pagitan ng tropang gobyerno at ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu nitong Biyernes.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Col. Benjamin Hao Jr, nag-umpisa ang bakbakan nitong Biyernes bandang alas-9 ng umaga at nagpapatuloy pa ito.

Habang nagsasagawa ng “focused mlitary operations” FMO ang tropa ng 32nd Infantry Battalion  ng 1st Infantry Division (ID) sa ilalim ni Lt. Col. Ramon Flores sa Sitio Kan Ugong, Brgy. Igasan, Patikul ng lalawigan, nang makasagupa ang 120 bandido. 

Sa bakbakan, 14 na sundalo ang na-sugatan na isinugod sa Camp Teodulfo Bautista Trauma Hospital sa Jolo habang nagtamo rin ang mga kalaban ng mara-ming bilang ng mga sugatan.

May ulat rin na nasugatan ang apong lalaki ni Abu Sayyaf Commander Radulan Sahiron sa nasabing bakbakan kung saan nasa kritikal itong kondisyon pero kasa-lukuyan pa itong beneberipika.  

 

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with