^

Punto Mo

‘Iba’t ibang Scam’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

Kapag wala kang sinalihan at hindi mo naman napanood sa balita huwag mong basta paniwalaan.

Marami kaming natatanggap na tawag at text na nagtatanong tungkol sa mga text sa kanila na nanalo ang kanilang sim card ng malaking halaga. Nang magtext sila hinihingi ang personal nilang impormasyon tulad ng trabaho sabay hihingi ng pera pambayad  para maproseso ang pagkuha ng kanilang premyo.

Madalas nilang gamitin ang mga pangalan ng kilalang tao at nag-iimbento pa ng kung ano-anong DTI number para lang makapaniwala.

Isa sa nagtext sa amin ay ang may dulong numero na 6280 na si Erwin Cubillas.

“Magandang hapon po sa inyo kasi hindi ko po alam kung totoo ba ito. Totoo po ba na may Manny Pacquiao Foundation, handog bagong buhay para sa bagong taon?” sabi sa text.

May nagtext daw sa kanya na nanalo ang kanyang sim card ng Php850,000. Tumawag din daw sa kanya ang nagpakilalang Gilbert na umano’y sekretarya ni Pacquiao.

Wala naman siyang sinalihan at ayon sa kanyang nakausap kailangan niyang magbigay ng dalawang libong piso para makuha niya ang kanyang napanalunan.

Matagal nang ginamit ang pangalan ng ating Pambansang Kamao sa mga ganyang uri ng scam. Nung magkaroon siya ng programa sa telebisyon na namimigay ng papremyo at nang pumatok ito sa mga manonood ginamit ito para makapanloko.

Una na itong sinagot ng kampo ni Pacman na hindi sila namimigay ng anumang pera sa uri ng text messaging.

Ilang bagay na dapat ninyong tandaan para malaman kung scam ba o hindi ang isang text sa inyo.

Kapag wala ka naman sinalihan at bigla ka na lang nanalo na hindi mo man lang alam na naging parte ka ng pa-raffle nila.

Kung totoo ang text na nanalo ka dapat hindi ito normal na 11 digit mobile number na magtetext sa ‘yo kundi special four digit number.

Pinagmamadali ka pang kunin ang iyong premyo dahil kung hindi ay mapupunta ito sa iba. Ang Department of Trade Industry (DTI) ay binibigyan ng tatlumpung araw o dalawang buwan ang nanalo para kunin ang kanyang premyo.

Hindi ka din dapat magpadala ng pera para lang pambayad ng tax dahil sa mismong premyo na ito kukunin bago pa man maibigay sa ‘yo.

Palagi ninyong tandaan ang mga bagay na ito para hindi kayo naloloko at hindi na dumami ang nabibiktima ng scam sa text.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

                Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

ERWIN CUBILLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with