^

Punto Mo

EDITORIAL - Kalat na, Coco type raw talaga si Yassi

Pang-masa

Hindi dapat mabahag ang buntot ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa banta ng transport groups na magsasagawa uli sila ng tigil-pasada kapag hindi binawi ang balak na phase out ng mga sasakyan na may edad 15 taon pataas. Sabi ng Piston at No Jeepney Phase Out Coalition, magpapatuloy sila sa strike. Hindi raw makatao ang phase out ng mga lumang jeepney. Dapat daw ay i-rehabilitate ang mga jeepney para hindi mawalan ng ikabubuhay ang mga driver.

Noong Lunes, isinagawa ang ikalawang tigil-pasada sa maraming panig ng bansa at maraming commuters ang na-stranded. Kung hindi sinuspende ang klase sa lahat nang level baka mas marami ang apektado.

Nagbanta ang LTFRB na kakanselahin nila ang prankisa ng mga jeepney na nakiisa sa strike. Iha-handa na raw nila ang kaukulang proseso sa kanselasyon ng prankisa.

Ayon sa LTFRB, ang mga lumang sasakyan na kinabibilangan ng mga dyipni ang nagdudulot ng air pollution na dahilan nang pagkakasakit ng mamamayan. Ang mga lumang dyipni rin ang dahilan ng mga malalagim na aksidente sapagkat gastado na ang preno. Inaararo ang pedestrians at mga bahay.

Tama lamang na ituloy ang phase out ng mga lumang sasakyan lalo ang jeepney para maging malinis ang hangin. Ayon sa DENR, 80 porsiyento ng emissions o usok ay galing sa mga tambutso ng sasakyan particular sa jeepneys. Sila ang lumalason sa hangin na dahilan ng pagkakasakit at kamatayan nang mga tao. Paggising sa umaga, hanging may lason na ang nalalanghap. Ang mga sakit na nakukuha sa maruming hangin ay pulmonya, bronchitis, asthma, istrok at atake sa puso.

Dapat tulungan ng DENR, LTO at MMDA ang LTFRB para tuluyang mawalis sa kalsada ang mga lumang sasakyan na nagdudulot ng air pollution at malalagim na trahedya. I-phase out ang mga karag-karag na sasakyan lalo ang mga dyipni.

 

vuukle comment

PISTON AT NO JEEPNEY PHASE OUT COALITION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with