^

Pang Movies

Kalat na, Coco type raw talaga si Yassi

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Masaya si Yassi Pressman dahil dream come true raw para sa kanya ang makapareha si Coco Martin sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano bilang guest star.

Wala raw siyang naging problema sa taping dahil cool na cool sa pagdi-direct sina Coco at Direk Toto Natividad.

Exciting daw ang feeling kapag naidirek ka ng mga de-kalibreng direktor katulad din ng ibang katuwang ni Direk Toto.

Kung magtutuluy-tuloy ang swerte ni Yassi, baka sakaling makuha siya sa pamosong komiks ni Mars Ravelo na Darna. Nakakatuwa kapag si Yassi nga ang gaganap sa Darna dahil kung nagkataon, siya ang unang Darna na may banyagang pangalan.

Si Yassi ang nasiyeteng naging girlfriend noon ni Sef Cadayona. Pero teka, totoo bang masama ang tama sa kanya ni Coco?!

Paulo at Maja sa title ng pelikula nayare

Marami ang humuhula na kaya raw hindi nag-click ang pelikula nina Paulo Avelino at Maja Salvador dahil walang magic sa tao ang title nito, ang I’m Drunk, I Love You.

Para raw hindi title ng pelikula. Sana raw ay mas maganda pa dahil sa panahon ngayon, pagandahan at pabonggahan na ang mga titulo ng pelikula para tangkilikin ng mga tao.

Willie tsinugi ang dalawang host!

May nagtatanong, bakit daw nawala ang DJ/host na si Jennifer Lee sa programang Wowowin?

Type pa naman ito ng manonood. Very energetic din daw ito sa pagsigaw sa panimula ng show ni Willie Revillame.

Ngayon daw tuloy, ang apat na host ni Willie ang nagpapalakasan ng sigaw.

Napansin din nila ang biglaang pagkawala ni Bentong sa show buhat nang ma-discover si Tekla.

Saan napunta sina Bentong at Jennifer? Kung minsan nakaka-insecure talaga sa showbiz, hindi mo alam kung kailan ka tsutsugihin.                                                                       

vuukle comment

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with