^

Probinsiya

Magkapatid, nalunod

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kamatayan ang sinapit ng  magkapatid na menor-de-edad makaraang malunod sa ilog sa Barangay Sapang, bayan ng Manaoag, Pangasinan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga biktima na sina Irish Mae Relosa, 15; at Angelo Joy, 12, mga nakatira sa Brgy. Pugaro sa nabanggit na bayan. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagkatuwaang maligo sa ilog ang magkapatid kasama ng ilang kaibigan bandang alas-4:31 ng hapon. Gayunman, sa kasagsagan ng paliligo ay napagawi sa malalim na bahagi ng ilog ang magkapatid  kung saan tinangay ng malakas na agos hanggang sa malunod. Natagpuan naman  ng rescue team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Center (MDRRMC)  ang katawan ng magkapatid matapos ang ilang oras kung saan idineklarang patay sa Manaoag Community Hospital.

 

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with