Kawani ng city hall utas sa ambush
BATANGAS, Philippines - Patay ang 53-anyos na kawani ng Tanauan City Hall matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay 4 sa nasabing lungsod sa Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ni Gerard Laresma, public information officer ng Tanauan City Hall ang biktimang si Lino Olivar ng Barangay Cale, at kawani ng Civil Security Unit. Ayon sa police report, papasok na ng trabaho si Olivar nang tambangan habang pababa ito sa traysikel sa bisinidad ng Manolo Street sa nasabing barangay bandang alas-7 ng umaga. Patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya.
- Latest