^

Metro

Kriminal, droga balik lansangan na naman

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Matapos na magsipag-tago sa ‘‘Oplan Double Barrel’’ at ‘‘Tokhang’’ ng PNP, talamak na naman ang aktibong ope­rasyon ng ilegal na droga at balik lansangan muli ang mga kriminal par-tikular na sa Metro Manila at iba pang mga urban centers sa bansa.

Ito ang nabatid kahapon base sa assessment ng pambansang pulisya, kung saan ayon kay PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa ay handa silang sumabak muli sa giyera kontra droga kung ipag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We are ready to go back to war if given orders by the President…we cannot do anything now except to wait for reinstatement orders”, pahayag ni dela Rosa.

Base sa assessment matapos na pansamantalang pananahimik ng mga drug addict na sangkot sa serye ng mga kriminalidad ay tila muli na namang  nagpipiyesta ang mga ito sa mga nangyayaring kaliwa’t kanang holdapan sa mga crime prone areas.

Samantalang, ayon pa sa mga opisyal ng PNP, nakakapagtaka ring may mga sumasalakay na holdaper sa mga establisyemento sa Makati City at marami rin  ang holdapan sa lungsod gayong dati-rati ay nagaganap lamang sa mga natukoy na crime prone areas.

Magugunita na tinanggalan ng kapangyarihan pansamantala ni Pangulong Duterte ang PNP sa giyera kontra droga matapos naman ang kontrobersyal na pagdukot noong Oktubre 18, 2016 sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-joo na pinaslang mismo sa loob ng Camp Crame kung saan ang karumaldumal na krimen na kinasangkutan ng mga tiwaling pulis ay nabul­gar nitong Enero ng taon.

 

vuukle comment

KRIMINAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with