^

Punto Mo

‘Wag mahulog sa bitag ng road rage!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA mga madadaling uminit ang ulo sa lansangan, muling nagpapaalala ang BITAG, hinay-hinay lang. Habaan ang pasensya.

 Sabagay sino nga ba naman ang hindi mabu-bwsit. Pasikip na nga ng pasikip ang lansangan, marami pang mga motoristang walang disiplina.  

 Nakahawak lang ng manibela, akala yata may karapatan na sila sa daan.

 Pilit nakikipaggitgitan sa mga sasakyan, ungusan, nakikipagkarera, lama­ngan at nakikipag-agawan ng linya.

 Kaya sa mga nasa likod ng manibela, easy lang. Wag mahulog sa patibong ng road rage.  

 Ito ’yung bayolenteng reaksiyon ng mga motorista tulad ng pagmumura, pangungutya, pananakit at madugong kompron­tasyon.

 Tatlong bagay lang ang magiging kahihinatnan. Kung hindi bilangguan, pagamutan o libingan.

 Lalo na sa Metro Manila. Asahan nang lalala pa ang trapiko. Sobrang dami ng mga sasakyan pero ang mga imprastruktura kulang. Hindi makasabay.

 Ilan sa mga  sanhi kung bakit nagiging road rager ang isang motorista ang problema sa pamilya, problemang-pinansyal, emosyunal, problema sa trabaho at pinagtatrabahuhan o ’di naman kaya kulang sa sapat na pahinga.

 Kaya sa mga motorista, siguraduhing laging may maayos na tulog.  

 Huwag nang antaying ispatan pa ang mga naghuhurumentadong siga sa lansangan. Bagkus, talasan nalang ang pakiramdam at huwag nang patulan.

* * *

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

 

 

vuukle comment

MOTORISTANG WALANG DISIPLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with