^

PSN Showbiz

Iza nagpapasalamat sa nakakatakot na mukha!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Labinglimang taon na sa show business si Iza Calzado kaya naman nakailang horror movies na rin ang nagawa ng aktres. Ngayon ay kabilang si Iza sa horror film na Ilawod na mapapanood na sa mga sinehan simula bukas.

Ayon kay Iza ay nababansagan na siya ng ilan bilang bagong Horror Queen ng Philippine Cinema. “Pagbigyan n’yo na ako, 15 years na ako eh. Bigyan n’yo naman ako ng bagong title pwede na siguro na Horror Empress,” pabirong bungad ni Iza.

Hindi raw inakala ng aktres na magagampanan niya nang maayos ang kanyang role sa tuwing gumagawa ng pelikulang horror ang tema. “Natuwa talaga ako kasi hindi ko naman inakala na maging iba ang pagtanggap kasi ginagawa ko siya ng drama. Hindi ko maintindihan na parang may something ‘pag siguro nailawan ako. Kapag ‘yung mata ko nga, pasok sa horror,” pahayag ng dalaga.

Nagpapasalamat si Iza dahil sa pagkakaroon ng expressive eyes na siyang sinasabing nakatatakot sa kanyang mukha. “Nakakatakot po ako ‘di ba? Sabi nga nila nakakatakot nga daw talaga ang mga mata ko, expressive. Sabi ko nga gets ko naman na pang-horror talaga. Okay lang sa akin na nakakatakot ako. Kasi kung ano man ‘yun, nagpapasalamat ako sa Diyos kasi biniyayaan niya ako ng isang nakakatakot na mukha,” nakangiting pagtatapos ng aktres.

Bret at Ella parehong sumaya nang maghiwalay

Si Ella Cruz ang huling naging kasintahan ni Bret Jackson at ngayon ay nai-enjoy daw ng aktor ang pagiging single. “As of right now, wala. One year na akong wala, my last was Ella pa,” simulang pahayag ni Bret.

Ngayon ay nagkatrabaho kaya muling nagkasama ang dating magkasintahan sa pelikulang Dark Room. Ayon kay Bret ay hindi man nanumbalik ang kanilang pag-iibigan ay nanatili silang magkaibigan ng aktres. “I was really happy seeing Ella and be around her again. One of the reasons we were together, I would always think that she’s a good person, to be around her again was really nice for me. Pero I think we know that we’re meant to be friends and I think that’s good. And it’s nice that we had a relationship before. Kasi sa screen may chemistry talaga kami,” pagbabahagi ni Bret.

Samantala, matatandaang nabanggit naman ni Ella sa naging pahayag kamakailan na masaya rin siya ngayon kahit walang kasintahan. Trabaho at pamilya muna raw ang pinagtutuunan ng panahon ng aktres.

vuukle comment

NAKAKATAKOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with