^

Probinsiya

Trak vs. kotse: 20 sugatan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTOBATO CITY, Philippines – Umaabot sa 20-katao na karamihan ay mga atleta ng pribadong paaralan ang nasugatan makaraang magsalpukan ang trak at kotse sa kahabaan ng national highway sa Barangay Palian sa bayan ng Tupi, South Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga sakay ng trak na sugatan na sina Leanisa Colonia, Franklin Tamayo, Rene Ode, Policard Estacio, Albert Duga Duga, Carlo Jay Duran, Ian Mark Carido, Al Quin Ann Bataque, Arvin Soblingo, Maricel Marfel, Henry Chan, Kent Bryan Malasarte, Kia Gallego Arnel John Pesura, Kieth Sunga, Rose Ann Cahilig, at si TJ Latiban. 

Ayon kay PO1 Ernando Simpao Jr., ang mga sakay ng Elf trak ay mga atleta ng South East Asian Institute of Technology sa bayan ng Tupi na patungo sana sa Korona­dal City para maglaro sa Private Schools Athletic Associa­tion (PRISAA) meet nang maaksidente pasado alas-7 ng umaga.

Nabatid na binabaybay ng trak na minamaneho ni Mario Gana ang kahabaan ng highway nang  makabangaan nito ang kotse na patungong General Santos City.

Sugatan naman ang driver ng kotse na si Rico Angel Lataban at kasama ang mga sakay na sina Abdul Hussain, Rahid Muscat at si Anna Mamintal.

 

vuukle comment

TRAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with