^

Probinsiya

Atty. Eisma nanungkulan na sa SBMA

Pilipino Star Ngayon
Atty. Eisma nanungkulan na sa SBMA
Malugod na tinanggap ni Atty. Wilma “Amy” Eisma mula kay dating SBMA Chairman and Administrator Roberto V. Garcia ang simbolo ng liderato bilang SBMA Administrator sa ginawang seremonya kahapon.
Alex Galang

SUBIC BAY FREEPORT ZONE.. - Pormal ng isinalin ang panunungkulan bilang admi­nistrador ng Subic Bay Metropoplitan Authority (SBMA) kay Atty. Wilma T. Eisma ang bandila ng SBMA ni dating SBMA Chairman and Admi­nistrator Roberto V. Garcia sa Turn-over ceremony kasabay ng flag-raising ceremony sa mismong Building 229 sa nasabing lugar.

Sa turn-over ceremony, sinaksihan nina Olongapo City Mayor Rolin Paulino, Subic town Mayor Jay Khonghun, Mayor Jopet Inton ng Hermosa, Bataan; Rep. Jeffrey Khonghun at mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa karatig lalawigan.

Si Eisma ay ipinanganak at lumaki sa Olongapo City kung saan nagtapos ng abugasya na may 23 taong nagsilbi sa pamahalaan at pribadong sector.

Base sa record, si Eisma ay dating sustainability at contributions manager ng PMFTC, Inc., Philippine affiliate ng Philip Morris International kung saan nagtrabaho sa loob ng 16-taon.

Mariing ipinahayag ni Atty. Eisma na masaya siya at na­kabalik uli sa itinuturing niyang tahanan.

Si Atty. Eisma na isa sa libu-libong volunteer na naglingkod sa SBMA noong panahon ni Sen. Richard Gordon bilang chairman at administrator ay mainit na tinanggap ng mga opisyal at kawani ng nasabing ahensiya.

Pinapurihan nito ang mga nagawa ng mga opisyal at kawani sa mga nakaraang taon at sinabing ipagpatuloy nila ito at samahan ng “malasakit” na umano’y parang nawala na.

Sa talumpati ni SBMA Administrator Atty. Eisma, binigyang diin nito na kailangang ibalik ng maayos ang kalinisan ng SBMA dahil nasalaula na ito at nagtambak na basura sa paligid kung saan wala na sa kaayusan ang buong SBMA.

Ayon kay Atty. Eisma, noong mga naunang panahon ay binansagang America ang kalinisan ng SBMA subalit nga­yon ay nalulungkot isipin na di-na ganoon  kaganda at linis ang kapaligiran. Alex Galang at Rey Nadar

vuukle comment

SMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with