^

Probinsiya

Lola, 71, ginahasa ng adik

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lola, 71, ginahasa ng adik

Masaklap ang sinapit ng isang 71 anyos na lola makaraan itong halayin ng kapitbahay na mister na hinihinalang bangag sa droga  sa loob ng silid ng matanda sa Brgy. Sampao, Kapalong, Davao del Norte, ayon sa ulat kahapon. File photo

MANILA, Philippines – Masaklap ang sinapit ng isang 71 anyos na lola makaraan itong halayin ng kapitbahay na mister na hinihinalang bangag sa droga  sa loob ng silid ng matanda sa Brgy. Sampao, Kapalong, Davao del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ni  Chief Inspector Michael Seguido, hepe ng Kapalong ng lalawigang ito ang insidente ay ini-report kamakalawa ng biktima sa mga awtoridad.

Nabatid na ang matanda ay isinugod sa pagamutan sanhi ng tinamong sugat sa leeg mula sa pagtutok ng kutsilyo ng suspek at nagtamo rin ng mga pasa sa katawan na sinaktan pa ng nasabing hayok na mister.

Arestado naman ang suspek na si Filmer Alvarez, 29 anyos, kapitbahay ng matanda na itinago sa pangalang Filomena, residente sa nasabing lugar. Base sa imbestigasyon, puwersahang pinasok  ng suspek ang tahanan ng biktima na nagkataong nag-iisa sa kaniyang tahanan sa lugar noong Sabado pero kamakalawa lamang nai-report sa mga awtoridad dahilan isinugod muna sa pagamutan para magamot ang tinamo nitong sugat sa katawan partikular na sa leeg.

Agad na hinubaran ng suspek ang matanda saka hinalay kung saan walang nagawa ang biktima dahilan masyadong malakas ang suspek. Inabutan ng anak ng biktima ang suspek habang hinahalay ang ina kaya binugbog niya ito pero nagawang makatakbo. Sa presinto sinabi ng suspek na hindi umano niya batid ang kaniyang ginawa dahilan lasing siya pero ayon sa kanilang mga kapitbahay ay kilalang adik sa marijuana ang nasabing mister.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with