^

Probinsiya

Titser na drug pusher, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagsak-kalaboso ang 39-anyos na  titser sa elementarya na sinasabing kabilang sa high-value target matapos itong maaresto sa inilatag na buy-bust operation sa Laoag City, Ilocos Norte, ayon sa ulat kahapon.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Jemcipen “Kuwatog” Luis ng Barangay 21 sa nasabing lungsod at guro sa Pasiocan Elementary School sa bayan ng Bacarra, Ilocos Norte.

Sa ulat ng Ilocos Norte Police na naisumite sa Camp Crame, ang suspek ay nasakote sa  isinagawang operasyon sa  boarding house nito sa Barangay 55 noong Sabado ng hapon.

Ayon sa pulisya, bitbit ang search warrant na inisyu ng korte ay nagsagawa sila ng buy-bust operation laban sa suspek  kaugnay ng pagkakasangkot nito sa drug trade.

Nasamsam sa boarding house ng suspek ang walong pakete ng shabu, limang bala ng cal. 38 revolver, mga dahon ng marijuana, mga drug paraphernalia at ang P6,000 cash na sinasabing kinita sa droga.

Samantala, kinumpirma naman  ng pamilya ng suspek na sangkot ito sa pagtutulak ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with