^

Probinsiya

Misis napatay ni mister sa inuman

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Malumbay ang pagdadaos ng Kapaskuhan ng 50-anyos na mister matapos niyang aksidenteng mapatay ang sariling misis sa gitna na kanilang paglalaklakan sa loob ng kubo sa Barangay Pallagao, bayan ng Baggao, Cagayan kamakalawa. ?

Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Santos Baldovizo, hepe ng pulisya sa bayan ng Baggao, agad na namatay ang biktimang si Digna Sales, 53, matapos tamaan ng bala ng Cal. 22 revolver sa tiyan na pinaputok ng asawang si Mario Sales.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang mag-asawa nang iabot ng suspek sa biktima ang dala nitong ripleng pinanghuhuli niya ng ibon subalit aksidente niyang nakalabit ang gatilyo dahil sa sobrang kalasingan. ?

Nahimasmasan ang suspek nang makitang bulagta ang misis at sumuko ito sa mga pulis matapos ang insidente.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with