1 dedo, 4 sugatan sa road mishap
QUEZON, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 35-anyos na mister habang apat naman ang nasugatan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa diversion road sa Barangay Domoit, Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Regie Agunoy ng Sariaya, Quezon habang ginagamot naman sa Lucena United Doctors Hospital sina Renie Entelizo, 42; Nikk Entelizoi 18; Rogelio Alegria, driver ng bus, ng Valenzuela City; at si Elmario Sultan, 55, ng Tayabas City, Quezon. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Dennis de leon, chief of police sa Lucena City, patungo sa isang restaurant sa gilid ng highway ang Toyota Vios (PUI 928) ni Renie nang banggain ito ng Lucena Lines Bus (UYD-239 )na minamaneho ni Alegria. Tumilapon ang kotse ni Renie saka bumangga sa paparating na jeepney cargo (DTY-817) ni Sultan.
- Latest