^

Probinsiya

3 drug suspek bulagta sa buy-bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
3 drug suspek bulagta sa buy-bust

Nakabulagta sa inuupahang talyer ang isa sa tatlong tulak ng shabu matapos na kumasa ito sa mga tauhan ni P/Supt. Julius Ceasar Domingo habang nagsasagawa ng buy bust operation sa Brgy. Tabe, Guiguinto Bulacan. Boy Cruz

BULACAN, Philippines – Tatlo-katao na sinasabing nasa drug watchlist ang napatay makaraang kumasa sa  pulisya magkakahiwalay na buy-bust operation sa tatlong bayan sa lalawigan ng Bulacan noong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Jose Alberto “Jopet” Gesmundo, 40, ng Brgy. Caingin sa Malolos City; Alyas Bato ng Brgy. Cupang sa bayan ng Pandi; at si Jerry Pandato, 40, ng Brgy. Malis sa bayan ng Guiguinto.

Base sa police report na nakarating si kay P/Supt. Heryl Bruno, Napatay ng mga pulis si Gesmundo dahil tinangka nitong barilin ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer sa buy-bust operation sa Barangay Caingin.

Kasunod nito, na­paslang din si Alyas Bato na sinasabing kumasa sa buy-bust operation na pinangunahan ni P/Chief Insp. Manuel De Vera sa Brgy. Cupang-Sabana Road sa bayan ng Pandi.

Samantala, kumasa at napatay din si Pandato sa mga tauhan ni P/Supt. Julius Ceasar Domingo sa buy-bust operation sa Brgy. Tabe sa bayan ng Guiguinto.

Narekober sa mga suspek ang 13 plastic sachet ng shabu, 4 pekete ng marijuana, tatlong cal .38 revolver, P700 marked money, talaan ng mga buyer ng shabu at mga personal na gamit. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with