^

Pang Movies

Maine at Alden hindi makalimutan ang Morocco

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Late nang nakarating ang flight ni Maine Mendoza sa NAIA mula Iligan City at Cebu City last Thursday evening nang bumisita siya sa AlDub Libaries doon kaya hindi na siya nakahabol sa launch ng Mega Magazine shot in Morocco nila ni Alden Richards. Nag-try siyang humabol pero 10:30 p.m. na siya dumating at kung tutuloy pa siya sa venue, it will take her 40 minutes bago siya makarating sa Samsung Hall ng SM Aura. Kaya minabuti niyang umuwi na lamang at magpahinga. Isinabay na niya ang paglalabas ng kanyang blog tungkol sa pagsu-shoot nila sa iba’t ibang lugar sa Morocco ni Alden. Mga shoot na hindi na niya malilimutan.

Ini-announce ng Mega Magazine na sold out ang lahat ng copies ng magazine na sila ang cover. May mga nagtatanong kung lahat daw ba ng love team na na-feauture as cover ay sold-out din. Tanging ang Mega Magazine lamang ang makapagsasabi kung lahat ng love teams ay naka-sold-out ng copies. The AlDub Nation are waiting for their answer.

Derrick na-shock nang maging superhero

Nailang din si Derrick Monasterio nang malaman niya ang bagong role na gagampanan sa isang extraordinary story ni Nonoy, isang jeepney driver na nagiging isang superhero dahil sa misteryosong object na nakuha niya mula sa distant planet.

“I’m very grateful po sa GMA-7 for entrusting me the role of Nonoy,” sabi ni Derrick. 

“It is my first time to portray a role like this na isang superhero. Kinakabahan po ako but at the same time, nakaka-challenge rin kaya excited ako at mas pagbubutihin ko ang trabaho ko. Nakaka-flatter din po kasi ako ang pinili ng GMA to portray the role. Kaya gumagawa rin ako ng sarili kong research para sa character ko.”

Siyempre pa, ang journey ni Nonoy ay magiging interesting dahil madi-develop ang feelings niya for Eva, played by Bea Binene, isang barker sa pondohan ng mga jeep sa kalye na ang attitude nito ay irritating kay Eva, pero kung minsan, endearing din naman sa mga ginagawa nito sa kanya.

Walang problema sina Bea at Derrick dahil comfortable na silang magkasama. Katatapos lamang nilang magtambal sa isa ring afternoon prime ng GMA-7. 

Excited din si Derrick na first time niyang makakasama ang ninong niyang pulis, si Sgt. Cruz, played by Gabby Concepcion at half-blind naman ang ina niyang si Alma Moreno. 

Ang Tsuperhero ay original concept of Kapuso comedy genius na si Michael V. Mula sa direksyon ni LA Madridejos, mapapanood na ito ngayon November sa GMA Sunday Grande. 

vuukle comment

MAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with