^

Metro

‘Daniel Padilla’, 1 pa todas sa shootout

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Shabu ginagawang taya sa kara y cruz 

MANILA, Philippines - Utas ang isang lalaki na kapangalan ng aktor na si ‘Daniel Padilla’ at isa pang lalaki makaraang makipagbarilan sa mga pulis na rumesponde sa ulat na shabu ang ginagawang taya sa iligal na sugal na kara y cruz ng mga suspek, kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.

 Nakilala ang mga nasawi na sina Daniel Padilla (hindi ang aktor) , 20, binata, ng Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City at Crispin Santos, 31, ng  Brgy. 160 Sta. Quiteria, Caloocan City.

 Base sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-4:15 ng madaling araw nang rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 7 sa Riverside, Brgy. 160 Sta. Quiteria, nang makatanggap ng ulat na shabu ang ginagawang taya ng ilang lalaki na nagsusugal ng kara y cruz sa naturang lugar.

Pagdating ng mga pulis, nagkanya-kanyang pulasan ang mga sugarol.  Hinabol naman ng mga pulis ang dalawang suspek sa direksyon ng Tullahan River ngunit nagbunot umano ng baril ang mga ito at pinaputukan ang mga pulis.  Dahil sa panganib sa kanilang buhay, gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkakapaslang sa mga suspek.

Narekober ng pulisya sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 baril, mga live at napaputok na mga bala, tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang rolyo ng hinihinalang marijuana, mga drug paraphernalia at ang tatlong barya na ‘pangara’.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with