^

Pang Movies

Entourage sa kasal-kasalan nina Alden at Maine nailihim!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ngayong araw magaganap ang ‘The Wedding Day’ ng AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza). Gaganapin ito sa isang malaking simbahan na malapit din sa Broadway studio ng Eat Bulaga.

Pero ang pinakahihintay sa kasalan mamaya ay kung sinu-sino ang bubuo sa entourage maging ang magiging principal at secondary sponsors, groom’s man (noong isang araw nag-post ang best friend ni Alden na si Kristoffer Martin na gagawa siya ng paraan na maka-attend ng wedding, magpapaalam daw siya sa taping ng bago niyang afternoon prime drama series). Eh sino naman kaya ang bride’s maid ni Maine? Tiyak na in charac­ter sina Wally Bayola as Lola Nidora, Paolo Ballesteros as Lola Tidora, at Jose Manalo as Lola Tinidora. Ang malaki pang tanong ay kung sino ang maghahatid kay Maine sa altar nag Daddy Doods (Vic Sotto) ba niya o ang kanyang tunay na amang si Tatay Dub? Sa kalyeserye, lumabas na ang ama ni Alden na si Daddy Bae. Siya rin kaya ang susulpot sa kasal mamaya at si AiAi delas Alas pa rin ang kanyang Lola Baba?

Hindi naman kinaligtaan ng Eat Bulaga ang AlDub Nation dahil nag-issue sila ng 600 invitations na pupuno sa simbahan bilang guests ng wedding ceremony nina Alden at Maine. Nailihim nila ang mga details ng kasal. 

Rocco matagal nang alam na hindi para sa kanya si Lovi

Masayang-masaya si Rocco Nacino na muling pumirma ng panibagong three-year exclusive contract sa GMA Network noong Thursday, October 20. Napansin din namin na iba ang saya ni Rocco at lahat ng tanong ay sinagot niya kahit pa nga ang tungkol sa kanyang lovelife. Hindi na niya ikinaila na talagang naka-move on na siya sa break-up nila ng dating girlfriend na si Lovi Poe, na hanggang ngayon ay hindi pa raw niya nakakausap. 

Alam ba niyang nag-wish din si Lovi sa kanya nang malamang may nali-link sa kanya na, “Kung totoo iyon, I’m happy for him.” Inamin ni Rocco na he unfollowed Lovi sa social media at wala siyang balak na mag-usap pa sila. “Alam ko na po noon na hindi siya para sa akin, kaya kung talagang mahal mo ang isang tao, it’s better to let go,” sagot ni Rocco. “Saka mas happy na ako ngayon.”

Paano siya naka-move on na noon iniiwasan niyang sagutin? “Sabihin na lamang po nating nagawa ko iyon dahil that time, naging busy ako sa Encantadia, natulungan ako ng mga kasama ko na mag-concentrate sa project at nakakita ako ng mga bagong friends sa kanila, kahit noon pa naman ay magkakakilala na kami, pero iba ang naging bonding ko sa kanila ngayon.”

Hindi rin ikinaila ni Rocco na may part doon ang bago niyang ka-love team na si Sanya Lopez, na gumaganap na Danaya at siya naman si A­quil. Si Sanya raw ang nandoon nang he’s in his lowest point, isa sa mga kinapitan niya noon. 

Liligawan na ba niya si Sanya? “Kung duma­ting na sa point na iyon, ready na ako.  Natutuwa ako sa eagerness niya to learn, at naroon naman ako para tulungan siya, lalo na sa fight scenes namin. Masayahin si Sanya at nahahawa ako sa pagtawa niya.”

vuukle comment

THE WEDDING DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with