^

Pang Movies

Nora sunud-sunod ang dagok

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang hindi nga maganda ang taong ito para kay Nora Aunor. Nagsisimula pa lamang ang taon nang mawala ang masasabi nga sigurong pinakamalakas na supporter ni Nora na si Kuya Germs. Sa aminin man natin o sa hindi, ang lahat ng magagandang deals na napasok ni Nora nang magbalik siya ay dahil kay Kuya Germs.

Ilang araw lamang ang nakakaraan, nawala na rin ang kanyang manager at matagal na nakatuwang din sa kanyang career na si Boy Palma. Ang pagkawala ng dalawang taong iyon na mahigpit ang suporta sa kanya ay matinding dagok na.

Ikatlo, hindi na nga naging maganda sa takilya, hindi halos napag-usapan, hindi pa siya nanalo ng award sa katatapos na Quezon City International Film Festival kung saan isinali ang isang pelikula niyang indie. Hindi pa rin nakapagpaopera si Nora Aunor ng kanyang lalamunan na sinasabi niyang gusto sana niya para makakanta ulit. Hindi na namin alam kung ano pa nga ba ang kasu­nod na mangyayari sa career ni Nora Aunor. Magtitiyaga na lang ba siya sa paggawa ng mga indie hanggang matapos ang kanyang career?

Bistek nagiging nega na naman dahil kay Kris?!

Bukod sa nagyaya raw siya for lunch, ayan na naman si Mayor Herbert Bautista na nagsabing “getting to know each other” na naman sila ni Kris Aquino. Kung natatan­daan ninyo, nangyari na iyan dati, at hindi maganda ang kinalabasan. Natural lang naman kasi na mag-react ang ibang taong involved.

Huwag na ninyong banggitin ang dati niyang live in partner na si Tates Gana. Maliwanag naman na matagal na silang hiwalay. Pero natural lang na magkaroon ng re­aksyon ang kanyang mga anak. Ang mga anak ni Mayor Bistek ay hindi naman ang dalawang anak lang niya kay Tates. May dalawa siyang iba pang anak na natural magkaroon din ng reaksyon.

Kung magkaroon ba nang hindi magandang reaksyon ang mga bata, makakaya ba niya?

Isa pa, may mga anak din naman si Kris. Pakikisamahan ba niya ang mga iyon? Kung natatandaan ninyo, si James Yap, napakisamahan ang anak ni Kris kay Phillip Salvador. Ngayon hindi lang isa kundi dalawa pa ang kanyang pakikisamahan, pati na ang anak ni Kris kay James.

Ano ang magiging reaksyon ng mga anak niya kung pakikisamahan niya ang mga anak ni Kris habang hindi niya maasikaso ang mga sarili niyang anak? Hindi rin naman magandang usapan iyan para kay Mayor.

Hindi namin ikinakaila na matagal na na­ming kaibigan si Mayor Bistek, at siguro nga nangi­ngibabaw sa amin na maiwasan niya ang anumang hindi magandang issue. Masyadong maraming issues na siyang hinaharap sa nga­yon, kung maiiwasan ang iba pang kompro­miso, mas mabuting iwasan na muna niya.

Palagay namin, mauuwi lamang sa controversy na hindi naman maganda para sa image niya ang mga ganyang usapan.

Isa sa sexiest male stars jutay daw!

May ibinulgar ang isang actor-aktoran na kamakailan lamang nag-out tungkol sa isang sikat na male star. Nabosohan daw niya iyon noong magkasabay silang maligo pagkatapos ng isang out of town show at sinasabi niyang hindi impressive at walang maipagmamalaki ang nasabi ring actor na nag-out.

Ano ba naman iyan, eh ang sinasabi niya, isa siya sa sexiest male stars, tapos ganoon pala.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with