^

Probinsiya

Mag-ina inararo ng jeep: 8-anyos patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines - Sinuyod ng isang rumaragasang pampasaherong jeep ang isang mag-ina habang naglalakad at bibili sana ng pagkain na ikinasawi ng 8-anyos na batang lalaki kamakalawa ng gabi sa Brgy. Dagatan, Amadeo, lalawigan ito.

Kinilala ang batang nasawi na si Elton John Colicoy Quidol na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan habang nasa malubhang kalagayan sa ospital ang kanyang ina na si Arleen Quidol,  44, may-asawa, pawang sa Brgy. Dagatan.

Pinaghahanap naman ang driver ng jeep nang tumakas matapos araruin ang mag-ina.

 Sa ulat ni PO3 Nimuel Ace Ferrera, alas-7:20 ng gabi habang magkahawak kamay na naglalakad ang mag-ina sa CM Delos Reyes Road at bibili sana ng kanilang hapunan nang bigla silang bundulin ng dyip na mabilis ang patakbo. 

Sa lakas ng pwersa ay halos lumipad ang katawan ng mag-ina na tumilapon habang hindi huminto ang nakasalpok na jeep at tuluyang tumakas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with