^

Probinsiya

1 dedo, 8 timbog sa buy bust

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Bulagta ang isang lalaking sinasabing notoryus na tulak ng shabu habang walong iba pa ang naaresto sa magkasunod na buy bust operation ng pulisya sa Brgy. Taal at Brgy. Caingin sa Bocaue ng lalawigang ito kahapon ng madaling araw. Nagtamo ng ilang tama ng bala na nagresulta ng agarang kamatayan ang suspek na si Leonardo Aquino, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Taal sa bayang ito at kabilang sa Barangay Anti-Drugs Abuse Council ng naturang lugar. Kasalukuyan namang nakadetine ang iba pang mga suspek na sina Manolo Mercado, 34; Raymund Condez, 31; Ryan Gonzales, 27, pawang residente ng Brgy. Taal; Jojo Delos Santos, 41, ng Brgy. Antipona; magkamag-anak na sina Allan Nicolas, 40, Felimon Nicolas, 31, Angelito “Angel” Nicolas 24 na mga residente ng Brgy. Caingin; at Warren Bermejo, 38 ng Brgy. Ilang-Ilang sa Guiguinto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with