^

Probinsiya

3 nagre-repack ng shabu niratrat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang mag-asawa at isa pang suspek na drug pusher ang pinagbabaril hanggang mapatay ng hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan sa isang bahay sa Garden Villas Subdivision, Barangay Ibaba, Sta. Rosa, Laguna kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Supt. Giovanni Martinez, hepe ng Sta. Rosa City Police, na bandang alas-8:45 ng gabi nang maitala ang krimen sa tahanan ng mag-asawang Edgardo at Elizabeth Mariquit sa Garden Villas Subdivision, Brgy. Ibaba ng lungsod. Kinilala ang isa pang napatay na suspek na si Gorgonio Villega.

Ang mga biktima ay pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na siyang agarang kumitil sa buhay ng mga ito.

Sa imbestigasyon, abala sa pagre-repack ng shabu ang mga suspek nang biglang sumulpot ang mga armadong kalalakihan na walang pasintabing pumasok sa tahanan ng mag-asawa.

Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas ay bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspek ang mga biktima na pawang dead-on-the-spot sa insidente.

Sinabi pa ng opisyal na kapwa mga drug suspects ang mag-asawang Mariquit at Villegas na parehong sumuko sa mga awtoridad sa ilalim ng Oplan Tokhang habang ang ginang ay kasabwat din ng mister nito sa illegal na pagbebenta ng droga.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa illegal drug trade ang motibo ng krimen habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa kasong ito.  Narekober naman sa crime scene ang 22 plastic sachet ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with