^

Probinsiya

Encounter: 2 pang kidnaper na Abu utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa pang bandidong Abu Sayyaf na sangkot sa kidnapping –for- ransom ang napatay sa pagpapatuloy ng opensiba ng militar laban sa ektremistang grupo sa bayan ng Panamao, Sulu noong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesman Major Felimon Tan, bandang alas-7:20 ng umaga nang muling makasagupa ng mga tauhan ng Joint Task Force (JTF) Sulu ang grupo ni Abu Commander Alhabsy Misaya sa liblib na bahagi ng Barangay Pugad Manaul.

Sa panibagong bakbakan ng Army’s 35th Infantry Battalion at ng mga bandido ay napatay ang dalawa pang Abu Sayyaf.

Isa sa dalawang napatay ay nakilala lamang sa alyas Dadis  habang sugatan din ang isa nilang kasamahan.

Noong Martes ay napatay sa bakbakan ang magkapatid na Abu  Sayyaf na  sina Nixon Muktadil at Brown Muktadil sa Brgy. Daungdung, Pata, Sulu.

Base sa record ng militar, ang mag-utol na Muktadil ay sangkot sa pagdukot sa 26 Indonesian at Malaysian sa hangganan ng karagatan ng Pilipinas at ng nasabing mga bansa ngayong 2016.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with